Bakit Noynoy at Mar?

I found this post in Harvey Keh's Facebook wall. It is an article written by Mayor jessie Robredo of Naga City on why he is supporting Noynoy and Mar in 2010 elections.

Bakit Noynoy at Mar?
ni: Mayor Jesse Robredo
Abante
http://abante.com.ph/issue/oct1109/op_jr.htm



Noong Oktubre 7, 2009 pormal na nagpapahayag ang Kaya Natin! ng suporta para sa tambalang Noynoy at Mar bilang Presidente at Bise Presidente ng ating bansa. Pinagkasunduan ito ng halos lahat ng mga kasama pagkatapos ng matagal na talakayan kung dapat nga bang tumaya ang Kaya Natin! at kung kanino tataya.

Dapat nga bang tumaya? Sa palagay ko, kung hihingi ng Kaya Natin! sa mga mamamayan na aktibong lumahok at tumaya, dapat kami ganoon din. Kung hihingi ng Kaya Natin! sa mga mamamayan na maghanap ng matino, matapat at karapat-dapat, dapat ‘yon din ang sukatan kung kanino kami tataya. Matapos na matagal na pagsusuri at pag-uusisa, pinagkaisahan na makibahagi sa pagsulong para kay Noynoy at Mar.

Ika nga ng taxi driver ng taxi na aking sinakyan patungong airport, ang kailangan daw nating mga pinuno, higit sa lahat, dapat ay matino. Sabi niya, ang kailangan nating mga pinuno ay hindi lamang ‘yong may malinis na ha ngarin. Sawang-sawa na raw siya sa mga matatamis na pangako ng nakaraan. At kahit ‘di ko tinatanong, ang sabi niya, siya ay kay Noynoy at Mar dahil sa tanang paninilbihan nila, ni minsan ‘di man lang sila nasangkot sa korapsyon at pagsamantala ng kanilang kapangyarihan.

Matagal na akong pinagkatiwalaan ng kapangyarihan bilang Mayor sa Naga City. Marami na ring pinagdaanan at karanasan. Katulad ng taxi driver, palagay ko integridad ang bukal ng matapat, maayos at mahusay na paglilingkod. Mara ming bagay ang maaaring matutuhan. Subalit ang integridad ay isang bagay na nagmumula sa puso at karakter ng tao. Hindi maaaring maipanggap. Mas mahalaga ang sinseridad sa abilidad. Mas mahalaga ang katapatan sa kahusayan. Nasubukan na natin ang matalino at marunong. Lalo tayong nasadlak sa kahirapan. Lalong nawala ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Kay Noynoy at Mar, pinagsama ang katapatan at kahusayan. Pinag-isa ang sinseridad at abilidad. Walang bahid sa matagal ng paglilingkod.

Naging bahagi ako ng Presidential Forum noong nakaraang Martes, October 6, 2009. Sa aking palagay, muling nasukat ang karunungan at pagkatao ng mga presidentiable na humarap. Iba’t ibang pananaw kung sino ang mahusay. Subalit malinaw sa lahat kung sino ang tunay na may sinseridad. Si Noynoy ‘yon!


***

Para sa inyong mga komento, paki-text sa 0922-8570496 o kaya ipadala sa kayanatin@yahoo.com.


I hope lahat tayo ay tataya sa pagkakataong ito, tataya kay Noynoy at Mar!

0 comments:

Post a Comment

Side notes from a first time blogger but long time political observer...